--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagdulot ng malaking trauma sa isang gurong pinay at sa mga mamamayan na matinding naapektuhan ng malakas na lindol na naganap noong January 12, 2010 sa Haiti.

Ang naganap na 7.0 magnitude na lindol sa capital Port-au-Prince at mga karatig na lugar ay nagdulot ng pagkasawi ng 220,000 people kabilang ang isang daan dalawang staff ng United Nations sa pagguho ng kinaroroonan nilang gusali.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Nene Sylvain, Pilipinang guro na nakapag-asawa sa Haiti, sinabi niya na dati ay national holiday ang paggunita sa anibersaryo ng malakas na lindol sa naturang bansa.

Ginunita ni Ginang Sylvain na patungo sana siya sa isang hotel para sa isang pagtitipon nang maganap ang malakas na lindol.

--Ads--

Ang kanyang anak na 4 anyos lamang noon ay nakulong sa kanilang sasakyan na nai-lock ang isang pintuan nito ngunit mabuti na lamang at hindi nai-lock ang kabilang pintuan ng sasakyan kaya agad niyang nailabas ang anak.

Malawakan aniya ang pinsala ng lindol at dalawang pinay na malapit sa kanya ang nasawi.

Bahagi ng pahayag ni Ginang Nene Sylvain