--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda ang mga paaralan sa Isabela na pinayagan ng magsagawa ng face-to-face classes sakaling payagan na ito sa mga susunod na buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Jesus Antonio, School Governance and Operations Chief ng Deopartment of Education (DepEd) Isabela na nasa walong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ang nakahanda na para sa limited face-to-face classes.

Sa katunayan ay nakapagsimula na sila noon pang Disyembre ng nakalipas na taon.

Gayunman dahil sa pagsailalim ng Isabela sa alert level 3 ay hindi muna ito itinuloy at maghihintay pa sila ng direktiba tungkol dito.

--Ads--

Ayon kay Dr. Antonio, pangunahin sa tinitingnan sa pagsasagawa ng imited face-to-face classes ay kung nasusunod ang mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaraal.

Ayon pa kay Dr. Antonio, pangunahin sa ikinukunsidera nila sa pagpili ng mga paaralang magsasagawa ng limited face-to-face classes ay ang suporta ng Local Government Unit (LGU) at ang kagustuhan ng mga magulang na mapasama ang kanilang mga anak.

Ang pahayag ni Dr. Jesus Antonio.