--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto sa isinagawang Entrapment Operation ang  isang lalaki na nagbebenta ng pekeng vaccination card sa Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang pinaghihinalaan ay si Perlito Cabanban, 49 anyos may asawa, porter ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) at residente ng Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.

Isinagawa ang entrapment operation laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ang suspek ng pekeng COVID-19 vaccination card.

Nagpanggap na bibili ng vaccination card ang isang pulis at matagumpay na nakabili ng tatlong pekeng vaccination card na nagkakahalaga ng 3,000 pesos bawat isa.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang pekeng vaccination card na nakapangalan sa kanya, isang pitaka, dalawang cellphone at ang perang ginamit sa transaksyon.

Sasampahan si Cabanban ng kasong falsification of public document in relation to Republic Act 11332 o   Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.