--Ads--
CAUAYAN CITY – Wala pang matukoy ang mga kasapi ng Cabatuan Police Station na suspek sa pagbaril at pagpatay sa cook ng isang karinderia sa barangay Magdalena, Cabatuan, Isabela.
Ang biktima ay si Manuel Limon, 49 anyos, walang asawa at residente ng Purok 2, Magdalena, Cabatuan, Isabela.
Ang biktima ay nag-aayos ng mga pagkaing ititinda sa karinderia nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan wala pang matukoy na motibo ang pulisya sa pagpatay sa biktima.
--Ads--
Nauna nang inihayag ni Ginoong Delfin Santos, tiyuhin ni Limon na wala silang alam na kaaway ng pamangkin.
Patuloy ang pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station sa nasabing krimen.






