--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatanggapin sa buwan ng Marso 2022 ng Isabela State University (ISU) ang Philippine Quality Award (PQA) na pinakamataas na level ng pagkilala para sa total quality management sa bansa.

Sa naging panayam gng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Ricmar Aquino, presidente ng ISU System na natanggap nila ang pabatid mula mula sa Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa tatanggapin na award.

Katulad nito ang  prestisyosong U.S. Malcom Baldrige Performance Excellence Program kaya mapalad aniya ang ISU na isa sa mga tatanggap ng PQA award.

--Ads--

Ayon kay Dr. Aquino, bago sumalang sa ganitong assessement ay kailangan na preparado

May pitong kategorya ang ina-assess na kinabibilangan ng leadership, strategy, cusomers measurement analysis, workforce, operation at output ng university.

Nagkaroon ng evaluation ang ISU sa lahat ng mga kategoryang  ito .

Ayon kay Dr. Aquino, naging maganda ang kanilang paghahanda  at nakita ng mga  assessors na karapat-dapat ang ISU na tanggapin ang nasabing parangal para sa total quality management.

Ito ay nangunguhulugana na efficient o mahusay ang kanilang pamamahala tulad ng pagtugon sa mga concerns, maganda ang performance ng pamantasan at mahusay ang pagbibigay ng edukasyon sa mga estudiyante.

Inamin ni Dr.Aquino na malaki ang impact nito sa nais ng pamunuan ng unibersidad  na magkapag-alok ng mga dagdag na academic program tulad ng hangaring  pagbubukas ng College of Medicine sa unang semestre ng school year 2022-2023.

Ang pahayag ni Dr. Ricmar Aquino