--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglagay ang Department of Agriculture (DA) region 2 ng  kauna-unahang wall-mounted disinfection system na nagkakahalaga ng 3.2 million pesos  sa checkpoint sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director For Operations ng DA region 2  na layunin ng wall-mounted disinfection system na ma-disinfect   ang mga truck at mga sasakyan  na nagbibiyahe ng mga hayop, frozen foods  at process meat product maging ang mga nagbibiyahe ng mga dumi ng manok na ginagamit na fertilizer.

Layunin din nito na mahadlangan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa ikalawang rehiyon.

Sinabi pa ni Dr. Busania na bagamat may mga naitalang kaso ng ASF sa region 2, ito ay sporadic o kalat-kalat .

--Ads--

Noong buwan ng Disyembre 2021 ay tiinamaan ang bayan  ng Gattaran  at ngayong Enero ay ang mga bayan ng  Enrile, Amulung at Tuao  sa Cagayan.

Noong December 2, 2021  ay nagkaroon ng kaso sa Bambang,  Nueva Vizcaya  habang noong January 9, 2022 ay nakapagtala ang City of  Ilagan City, Isabela.

Noong January 6, 2022  ay may naitalang kaso ng ASF sa Maddela, Quirino.

Nilinaw ni Dr. Busania na kakaunti ang mga naapektuhang baboy  at kontrolado na ang pagkalat ng ASF.

Sinabi ni Dr. Busania na balak din nilang maglagay  ng wall-mounted  disinfection system sa lalawigan ng Quirino na entry point ng mga manggagaling sa region 3 at sa Santa Praxedes, Cagayan na entry point ng mga manggagaling sa region 1.

Ang pahayag ni Dr. Roberto Busania