--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatugon sa mga requirements ang City of Ilagan Central Terminal sa mga isinagawang inspection ng para sa pagsisimula ng inter-regional route o biyahe ng mga bus papuntang Metro Manila at pabalik sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Ginoong Sherwin Balloga, City Taffic Group Supervisor na nagsagawa ng inspection sa Central Terminal ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) region at PNP Highway Patrol Group para sa pagsisimula ng inter-regional route.

Nauna rito ay nagsagawa ng inspection ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Central Terminal bago ang inspection ng PNP-HPG  at LTFRB region 2.

Hinihintay na lamang  ng isang kompanya ng bus ang kanilang QR Code upang makapagsimula na ng biyahe.

--Ads--

Maaari pa aniyang madagdagan ang kompanya ng bus na papayagang bumiyahe.

Sinabi pa ni Ginoong Balloga na hanggang 7:00PM ang operasyon ng City Terminal dahil sa last trip na patungong Tuguegarao City mula sa Cauayan City.

Inihayag pa ni Ginoong Balloga na mahigpit namang sinusunod ng mga namamasadang sasakyan ang mga ipinapatupad na health protocols at maraming driver sa lunsod ang nakatanggap na ng booster shot.