--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroong nang 50 na reklamo ang  natanggap ng  Teachers Dignity  Coalition (TDC) na biktima ng phishing scam na kanilang isasampa  sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maimbestigahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Benjo  Basas, chairman ng TDC  na maari pang madagdagan ang mga gurong nabiktima ng phishing  scam dahil marami  ang nakiKIpag-ugnayan sa kanila na maAaring umabot sa 80.

Nilinaw ni Ginoong Basas na ang mga tatanggapin lamang nilang reklamo ay ang mga verified  para kapag naisampa na sa NBI o DepEd Central Office ay kompleto ang mga detalye.

Kailangan din nila  ang individual request ng mga guro ng nabiktima ng phishing  scam sa kanilang bank account sa Land Bank na humihingi ng imbestigasyon.

--Ads--

Inihayag pa ni Ginoong Basas na 26 nang kaso ang naipadala na sa NBI sa pagsisimula ng imbestigasyon .

Ang pahayag ni Ginoong Benjo Basas.