--Ads--

CAUAYAN CITY – Kabuuang siyamnapu’t walong LET Takers ang nagpositibo sa isinagawang Antigen testing ng mga kawani ng DOH region 2.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, umaga pa lamang ay nagtungo na sa Cauayan City National High School ang mga LET takers upang sumailalim sa Nasal Antigen Testing na bahagi ng panuntunan ng PRC isang araw bago ang aktuwal na pagsusulit na gaganapin dito sa Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isang LET Taker na kabilang sa mga nagpositibo sa Antigen Test, sinabi niya na nanlumo siya sapagkat nasayang at napunta lamang sa wala ang ilang buwang paghahanda niya para sa pagsusulit.

Kiniwestiyon rin niya kung bakit kailangan pa ng antigen testing kung mayroon namang vaccination card o nakatanggap naman  ng bakuna gayundin na sumailalim sa labing apat na araw na quarantine bago ang pagsusulit.

--Ads--

Aniya ang tanging hiling lamang nila ay maisailalim sila sa RT-PCR test upang  matiyak na tama ang resulta ng pagsusuri.

Ayon pa dito na bagamat hindi na ito makakakuha ng pagsusulit ngayong araw ay wala umano siyang magagawa  kundi sumunod sa mga protocols.

Samantala hindi naman maitago ni Sherry Ann Tangaro, isa sa higit isang libong examinee, ang labis na kaba habang naghihintay ang kaniyang Antigen Test Result.

Aniya na sayang ang oras, pagod at paghahanda matapos ang matagal na paghihintay kung magpopositibo lamang siya sa Antigen test.

Ayon kay Sherry Ann, bilang retaker ay masasabi niyang nadoble ang knailang paghihirap para makakuha ng pagsususlit dahil sa pandemiya, bilang Isang nanay at Isang manggagawa ay hindi din umano naging sapat ang kanyang panahon upang mag review dahil halos isang linggo lamang ang naigugol niyang panahon para mapaghandaan ang pagsususlit.

Gayun paman ay umaasa umano ito na maipapasa nito ang kanilang pagsusulit bukas at maging na lisensyadong guro.

Ang bahagi ng pahayag ni Sherry Ann Tangaro.