
CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng National Irrigation Administration o NIA-MARIIS ang isasagawang cut off o pagpapatigil sa patubig sa unang linggo ng buwan ng Marso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan Acting Division Manager ng Dam and Reservoir Divison ng NIA-MARIIS, sinabi niya na last quarter pa lamang ng taong 2021 ay nakalatag na ang mga plano ng NIA MARIIS para sa taong 2022 at kabilang sa mga aktibidad na nakatakdang ilunsad ngayong taon ang preventive maintenance ng mga gate at canal lining.
Aniya katuwang nila ang SN aboitiz sa mga isasagawang preventive maintenance at refrunishing sa mga kinakalawang na gate at canal.
Dahil sa nalalapit na cut off umaasa ang tanggapan na dahil maaga ang planting season ay marami o mayorya na ng mga magsasaka ang nakapag ani na pagsapit ng pebrero hanggang Marso.
Ang kasalukuyang antas ng tubig sa magat dam ay 178.94 meters above sea level bagamat mababa ay hindi naman nababahala ang NIA-MARIIS dahil nanatiling sapat ang patubig sa mga palayan.
Iginiit rin niya na walang magiging pagbabago sa itinakdang cut off ng NIA MARIIS kahit hindi na datnam ng pagulan ang water reservoir o ang Magat Water shed areas.
Samanatala kabilang rin sa paghahandaan ngayong taon ng NIA MARIIS ay ang power generation para sa panahon ng Halalan.
Ayon kay Engr. Ablan ang naturang hakbang ay bilang pagtalima na rin sa panawagan sa mga electric genrating companies na alalayan ang panahon ng halalan.
Sa kaslaukuyan ay tuloy tuloy parin ang pagpapalabas nila ng tubig na ilalan para sa power generating system.










