--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakamit na ng Isabela ang pinaka-peak ng kaso ng COVID-19 at pababa na ang bilang ng kaso sa rehiyon dos at maging sa ibang rehiyon sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr.nGuido David, OCTA research Fellow  na ipapatupad pa rin ang alert Level 3 Lunsod ng Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa region 2  simula bukas, unang araw ng Pebrero.

Sinabi ni Dr. David na pangunahin nilang binabantayan ang Isabela dahil sa mataas na kaso ngunit hindi mataas ang Average Daily Attack Rate o ADAR.

Binabantayan din nila ang Cagayan at Nueva Vizcaya dahil sa mataas ang ADAR habang ang Quirino ay bahagyang tumaas.

--Ads--

Nakitaan na rin nila ng peak ang mga rehiyon sa bansa kabilang na ang region 2 at pababa na rin ang bilang ng mga kaso.

Samantala, nagkaroon na anya ng surge sa bansa dahil sa Omicron Variant at nakikita nilang bababa na ang kaso pagsapit ng buwan ng Marso.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Guido David.