
CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 18,200 mula sa mahigit 22,000 na formal workers na nag-aplay ang nabigyan ng one-time 5,000 cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang mga nabigyan ng ayuda ay mga na-displace na manggagawa sa pribadong sektor dahil sa epekto ng pagsailalim sa alert level 3 sa National Capital Region at iba pang lalawigan sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvester Bello III na dahil nasa alert level 2 na ang Metro Manila ay inaasahang hindi na tataas ang mga mag-aaplay para sa ayuda ngunit tuluy-tuloy sa mga rehiyon na nasa alert level 3 at may mga apektado pa ring manggagawa.
Nilinaw ni Kalihim Bello na kahit nasa alert level na ang NCR ay puwede pa ring mag-aplay para sa one-time 5,000 cash assistance ang mga na-displace noong nasa alert level 3.




