
CAUAYAN CITY – Tuluy-tuloy pa rin ang Technical Education Skill Development Authority o TESDA Region 2 sa pagbibigay ng mga Scholarship program sa ilalim ng tulong trabaho Program.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Vilma Cabrera ng TESDA Isabela, sinabi niya na ilan sa kanilang mga benepisyaryo sa Scholarship program ay ang mga Coastal Areas kabilang ang Divilacan, Maconacon, at Palanan kasama ang San Mariano, Isabela.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na rin ng TESDA Region 2 ang mga kailangang dokumento para makuha ang scholarship allocation ng 2022.
Aniya una nang nagkaloob ng paunang pondo para sa Private Education Assistance o PESPA.
Bagamat pauna pa lamang ang ipinagkakaloob na Pondo ay malaking bagay ito para sa mga benepisaryo sa Isabela.
Kaugnay nito ay inaasahan ng TESDA na muling ibibigay ngayong buwan ang karagdagang Pondo para sa scholarship sa ilalim ng Work Scholarship Program O TWSP.
Sa ngayon ay hinhintay nalang ng TESDA ang scholarship para naman sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.










