
CAUAYAN CITY – Kontrolado ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2 ang pag-atake ng Fall Army Worm o FAW dahil mababa lamang ang naapektuhang pananim na mais sa rehiyon dos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Science Research Specialist Minda Flor Aquino ng Crop Pest Management Center ng DA region 2 na kung titignan ang percentage ng infected hectares ng FAW ay mas mababa kumpara sa mga nakaraang season.
Habang ang taas ng damage ay bumaba rin dahil sa mga isinasagawang information dessimination sa mga magsasaka para sa kanilang sabay-sabay na pagtatanim.
Sinabi pa niya na mababa ang population ng FAW dahil sa paghinto ng kanilang pag-itlog dahil sa mga pag-ulan.
Lahat anya ng mga probinsiya ay nakakitaan ng FAW sa mga pananim na mais ngunit ito ay kontrolado at kakaunti lamang ang naapektuhan.










