--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng Kagawaran ng pagsasaka o DA Region 2 ang 103 Cluster Farmers Cooperative Association o FCA  para sa kanilang programang construction ng piggery na may sariling design of  Protection.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na ang piggery na may sariling design of  Protection ay disenyo mismo ng Livestock Programmer ng DA Central Office.

Nagkakahalaga ng 5.5 million pesos ang pondong ipagkakaloob sa bawat Farmers Cooperative Association na mamamahala sa piggery na may sariling design of protection.

Sa bawat FCA ay mag-aalaga ng tatlong daang baboy.

--Ads--

Napag-aralan anya ang design of protection ng mga baboy na ilalagay sa itatayong piggery na nilagyan ng screen, may bio-gas kung saan mapupunta ang  ihi at dumi ng mga baboy.

Mayroon ding digester na para sa dalawang pond kung saan mapoproseso ang  tubig  na galing sa digester at magkakaroon ng clear water na maaring gamitin sa irigasyon.

Sinabi pa ni Regional Executive Director Edillo na puntirya nilang  bumuo ng 103 cluster FCAs na papatayuan ng piggery na may sariling design of Protection ngunit kailangang pumasa sa kanilang panuntunan tulad ng pagkakaroon ng maluwang na lupa, hindi nababaha  at isang kilometro ang layo mula sa kabahayan.

Kailangan ng FCAs na sumunod sa naturang panuntunan upang mabigyan ng permit to operate.

Ayon pa kay Regional Executive Director Edillo, mula walumpong FCAs na nag-apply sa programa ng DA ay aabot lamang sa apatnapu’t lima ang pumasa.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.