--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng deadline hanggang linggo ang  Freedom Convoy na isinasagawa ng mga  truck drivers na tapusin na  ang kanilang kilos protesta kontra COVID-19 vaccination.

Ito ay matapos na mas dumami at humaba pa ang kanilang convoy sa Parliament hill sa Ottawa, Canada.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent  Marissa Hajcsar na binarikadahan na rin ng mga truck drivers ang Ambassador bridge na nag-uugnay sa Canada at Estados Unidos.

Ang epekto ng protesta ay nagkakaroon na ng kakulangan ng suplay ng mga produkto sa mga supermarket dahil walang biyahe sa mga lugar na binarikadahan ng mga truckers.

--Ads--

Dahil dito ay nanawagan na  si Prime Minister Justine Trudeau sa mga nagpoprotestang truck drivers na itinigil na ito dahil sa malaking epekto na nito sa kanilang ekonomiya.

Ang pahayag ni Gng. Marissa Hajcsar