
CAUAYAN CITY – Nagbibigayan ng regalo ang mga mag-asawa at magkasintahan sa bansang Guatemala sa pagdiriwang ng mga mamamayan ng Araw ng mga Puso o Feliz Dia Del Carinio tuwing February 14.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Ermeje Severo, Filipino missionary sa Guatemala, sinabi niya na sa kanilang parokya ay inanyayahan nila ang mga mag-asawa na dumalo sa misa dakong alas kuwatro ng hapon ng February 13, 2022.
Magpapanibago ng marital vows ang mga mag-asawa at pagkatapos ng misa ay isinasagawa ang ilang aktibidad na inorganisa ng Pastoral de Familia.
Nagbibigay ng pahayag ang inanyayahang tagapagsalita at susundan ito ng mga palaro at kainan.
Tampok na pagkain ang tamal at tonji na gawa sa mga prutas.
Ayon kay Fr. Severo, nagpapalitan din ng regalo ang mga magkasintahan at mag-asawa kapag araw ng mga puso.




