
CAUAYAN CITY – Mataas ngayon ang presyo sa pagbili ng palay sa Isabela na aabot sa dalawampong piso kada kilo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ernesto Subia ng Rice Millers Association sa Region 2 na wala pang pagkukulang ng supply ng palay at mataas pa rin ang bilihan dahil nilalampasan nila ang labing siyam na pisong kada kilong support price ng pamahalaan at ginagawan naman nilang dalawampong piso kada kilo.
Wala din anyang laman ang ngayon ang bodega ng mga Rice Millers Association dahil natatakot silang bumili ng mga palay ng mga magsasaka sa ginagawang rice importation ng pamahalaan.
Mura na rin anya ang bigas ngayon dahil aabot sa 1,400 pesos ang isang kaban ng imported rice kumpara sa locally produce rice na 1,600 pesos.
Nanawagan din si Ginoong Subia sa pamahalaan na kung maari ay hindi muna mag-import ng bigas para manatili ang suporta ng rice millers sa mga magsasaka.
Napapabayaan na ang local rice industry ng bansa dahil sa rice importation at mas binibili na ang imported rice.
Hindi naman sila tutol sa rice importation kundi dapat ay sapat lamang at hindi sobra sobrang importation upang maprotektahan ang mga magsasaka at rice millers.










