--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsisimula na sa Lunes, February 14, 2022 sa Cauayan City ang Resbakuna for Kids o pagbabakuna sa mga batang 5-11 anyos ayon sa City Health Office (CHO).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education and Promotion Officer Errol Maximo ng CHO, sinabi niya na mayroon nang dumating na Pfizer Vaccine at magsisimula na ang pagbabakuna o Resbakuna For Kids.

Aabot sa 1,150 doses ng bakuna ang inilaan at ang kalahati ay para sa 1st dose habang ang kalahati ay para naman sa naka-ikalawang dose na ng bakuna.

Marami na ang nakalista sa masterlist ng mga barangay at naabisuhan na ng CHO ang mga midwife.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Maximo, pareho ang Pfizer Vaccine na ituturok sa mga batang 12 anyos pataas sa ituturok na bakuna para sa mga batang edad 5-11.

Nasa tatlong linggo o 21 days ang interval o hihintayin bago makapagpabakuna para sa 2nd dose at maaari silang makaranas ng common side effects tulad ng lagnat, pagmamaga ng parte ng nabakunahan na tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw.

Sa February 14, 2022 ay bukas ang mga vaccination sites sa SM Cauayan City, Minante 1 at Villa Luna vaccination sites.

Bukas naman ang mga ospital para sa pagbabakuna sa mga batang may comorbidities at magdala lamang ng medical certificate mula sa kanilang pediatrician.

Pinaalalahanan ni Ginoong Maximo ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak bago ang pagpapabakuna kontra Covid-19.

Tiniyak na handa silang tumugon sa anumang  concern ng mga magulang sa pagpapabakuna sa kanilang mga anak.

Ang pahayag ni Ginoong Errol Maximo