--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga awtoridad ang driver ng kolorom na van matapos tangkain na magpuslit ng Returning Overseas Filipino (ROF) at  Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Maynila papasok sa lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Traffic Group Supervisor Sherwin Balloga, sinabi niya na nito lamang mga nakaraang araw ay nasabat ng mga awtoridad sa checkpoint ang tsuper na may lulan na tatlong LSI at dalawang ROF mula sa kalakhang Maynila matapos na beripikahin ang address ng mga pasahero.

Aniya, sinabi ng tsuper na passing through lamang ito patungong Tuguegarao City ngunit nalaman batay sa mga dalang papeles ng mga pasahero sa sila ay residente ng Sindun Bayabo, Lunsod ng Ilagan.

Napag-alaman din na P1,800 ang siningil na pamasahe sa  naturang mga pasahero.

--Ads--

Posible aniyang matagal na ang operasyon ng nasabing tsuper.

Sa kasalukuyan ay naka-impound na ang nasabat na van sa himpilan ng City Traffic Group sa Lunsod ng Ilagan.

Tinig ni City Traffic Group Supervisor Sherwin Balloga.