--Ads--

Nakatakdang isagawa ng Lupon ng Halalan o COMELEC ang Simultaneous Oplan Baklas sa mga campaign Materials na hindi nakalagay sa itinakdang common poster areas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Carlito Manibug, Hepe ng Luna Police Station, sinabi niya na nagpulong ang Luna Police station at Bagong talagang Municipal Election Officer na si Atty. Jerby Cortez at tinalakay ang isasagawang Simultaneous Oplan Baklas sa ikalabing anim ngayong Pebrero.

Puntirya sa naturang aktibidad na tanggalin ang mga campaign materials na hindi nakalagay sa mga common poster areas maging ang mga campaign materials na hindi akma sa panuntunang inilabas ng COMELEC.

Samantala, wala pang naitalang paglabag sa Election Gun Ban ang Luna police station.

--Ads--

Patuloy ang paghihigpit nila sa mga inilalatag na COMELEC checkpoints na matatagpaun sa Centro Dos.

Ilan sa mga nahuhuling violators sa mga COMELEC checkpoints  ay ang mga nagmamaneho ng walang helmet at walang E-visa o Oplan Visa.

Samantala, nangunguna pa rin ang Vehicular accident sa mga naitatalang insidente ng naturang himpilan ng Pulisya.

Ayon kay Captain Manibug ilan sa mga naitatalang aksidente sa lansangan ay nagaganap tuwing gabi at kadalasang kinasasangkutan ng mga motoristang nasa impluwensiya ng alak.