--Ads--

CAUAYAN CITY – Normal ang sitwasyon sa Poland sa kabila ng tensiyon sa kalapit na bansang Ukraine at Russia.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Arnold Tolorio na mayroon din silang pangamba kapag napapanood nila ang mga ulat tungkol sa posibilidad ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ito ay dahil sa mga makabagong armas tulad ng mga missile na maaaring tumama kung saan-saan kapag nagkaroon ng giyera.

Ayon kay Ginoong Tolorio, wala namang abiso sa kanila ang vice consul ng Pilipinas tungkol sa sitwasyon sa Ukraine.

--Ads--

May posibilidad aniya na maapektuhan din sila sa Poland kapag nagkaroon ng kaguluhan sa Ukraine dahil sa mga nakadeploy na mga sundalong Amerikano sa border ng Poland.

Ayon kay Ginoong Tolorio, ipinagdarasal nila na hindi magaganap ang pinangangambahang pag-atake ng Russia sa Ukraine.