--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong direct assault ang isang vendor sa barangay Victory Norte dahil sa pananapak sa isang pulis.

Ang pinaghihinalaan ay si John Jaroy Camelios, dalawampu’t siyam na taong gulang, binata, vendor, residente ng Purok 3, Dubinan West, Santiago City.

Lango sa alak ang pinaghihinalaan nang sapakin si PSSgt. Jomar Dela Cuesta, tatlumput pitung taong gulang, may-asawa at residente ng lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang SCPO Station 1 mula sa biktima at inihayag ang pananapak sa kanya ng naturang pinaghihinalaan na lango sa alak.

--Ads--

Tumugon ang mga kasapi ng naturang himpilan ng pulisya at nakita ang suspek.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang tainga ang pulis dahil sa pananapak ng pinaghihinalaan.

Ayon kay PSSgt. Dela Cuesta,  umaawat siya sa kaguluhan sa lugar nang   nilapitan siya ng pinaghihinalaan at biglang sinapak sa kanyang kaliwang tainga.