--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki sa Brgy. District 1 matapos umano nitong murahin at tadyakan ang dalawang pulis.

Kinilala ang pinaghihinalaan na si Joemar Legazpi, tatlumput siyam na taong  gulang at residente ng Brgy. District 3, Cauayan City habang ang mga biktima ay sina PCpl. Johnyson Paguirigan at PCpl. Joey Balbin na pawang myembro ng Cauayan City Police Station.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya nagsasagawa umano ng footpatrolling ang dalawang pulis sa Brgy. District 1 ay naaktuhan ang suspek paikot ikot sa lugar na habang lango sa alak at nagsisigaw.

Nang komprontahin umano ng mga pulis ang suspek at tanungin ang kanyang pangalan ay hindi niya pinansin at nagpatuloy sa pag iingay sa lugar.

--Ads--

Dahil dito ay inaresto ang pinaghihinalaan at dinala sa Cauayan District Hospital para sa medical examination bago dalhin sa himpilan ng pulisya ngunit nang ito ay dadalhin na sa Pulisya ay bigla na lamang umano nitong tinadyakan ang mga pulis.

Itinanggi naman ng suspek na kanyang minura at tinadyakan ang mga pulis ngunit inamin niyang siya ay nakainom.

Nais lamang umano niyang magpatulong sa mga pulis dahil hindi niyia mahanap ang kanyang motorsiklo.

Ang bahagi ng pahayag ng suspek.