--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan ang apatnapung displaced families na nakaranas ng pananakot at panghaharass sa New Peoples Army o NPA sa bayan ng Sta. Teresita.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rose Ann Ballad, Information Media Specialist ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nanatili pa rin sa temporary shelter sa Barangay Mission ang apatnapu’t apat na pamilya mula sa Sitio Tagcar at Sitio Cabungar habang sinusuyod pa rin ng Militar ang mga tumakas na miyembro ng NPA.

Una na ring nakapagpaabot ng tulong ang DSWD Region 2 para sa mga apektadong pamilya katuwang ang LGU Sta. Teresita at pamunuan ng 5th ID.

Sa katunayan ay nagkusang lumikas ang naturang mga pamilya dahil sa walang humpay na pananakot at panghaharas ng NPA.

--Ads--

Una silang nagtayo ng kanilang temporary shelter sa Gonzaga, Cagayan na agad naidulog sa DSWD na naging daan upang mailipat sa temporary shelter ng barangay Mission ang mga apektadong pamilya.

Samantala nagpapatuloy  ang information drive ng militar sa mga kabataan may kaugnayan sa mga adhikain at totoong mukha ng Communist Terrorist group o CTG.

Sa katunayan ay may grupo ng Indeginous People o IP’s ang bumuo ng kanilang Peoples Organization sa bahagi ng Sanchez Mira, Cagayan.

Patunay anIya ito na iisa ang hangarin ng taumbayan na makamtan ang kapayapaan at kaunlaran na nais ring maisakatuparan ng pamahalaan.