--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagdulot ng malaking pinsala sa Southwest ng United Kingdom ang malakas na hangin na dulot ng bagyong Eunice.

Maraming puno ng  mga kahoy  ang natumba at maraming sasakyan ang stranded sa daan.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Noel Dela Cruz, OFW sa UK na marami ring sasakyan ang  nabagsakan ng mga natumbang puno ng kahoy.

Nagbunga rin  ang storm Eunice  ng pagkawala ng daloy ng koryente.

--Ads--

Maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa mga sagabal sa daan.

Ayon kay Ginoong dela Cruz, target ng bagyong Eunice na may lakas ng hangin na 70 hanggang 100 miles bawat oras ang southwest ng United Kingdom.

Sa tabi aniya ng dagat ay maraming bahay ang nasira ang mga bubungan.