CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki sa Brgy San Fermin, Cauayan City sa nirerentahan nitong stall matapos masamsaman ng hinihinalang shabu sa ikinasang search warrant ng mga pulis.
Ang suspek ay kinilalang si Alyas Alex, apatnaput dalawang taong gulang, may asawa, businessman at residente ng brgy District 1.
Sa pagtutulungan ng Cauayan City Police Station, Provincial Intelligence Unit Isabela Provincial Police Office at 2nd IPFMC sa koordinasyon sa PDEA R02 ay isinilbi sa suspek ang search warrant na inilabas ni Hukom Reymundo Aumentado Executive judge ng RTC Cauayan City.
Sa paghahalughog ng mga pulis sa nirerentahang stall ng suspek ay narekober ang isang ballpen box na nabalot ng kulay blue na papel na naglalaman ng anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may lamang crystaline substance na hinihinalang shabu, anim na piraso ng aluminum foil at lighter.
Ang pagkakakumpiska sa hinihinalang droga ay inaresto ang suspek na mariing itinanggi na hindi umano sa kanya ang nakumpiskang kontrabando.
Pagpapahayag niya na mahilig siya sa blue na mga gamit ngunit lahat ay signatured o mga mamahalin.
Aniya hindi sakanya ang ballpen box na nabalot ng kulay blue na parang pang regalo.
Hindi umano niya alam aniya kung saan ito nanggaling at hinamon pa nito ang mga kapulisan na ipacheck ang kanyang fingerprints sa nakumpiskang gamit at aamin ito kung makikitang hinawakan niya ang bagay na ito at kapag hindi ay mga pulis aniya ang mananagot.
Hinamon din nito ng drugtest ang mga pulis upang mapatunayan na siya ay hindi gumagamit ng droga.
Ayon sa suspek anim na taon na umano itong hindi gumagamit ng droga matapos nitong mairehab noong taong 2016 kaya nagtataka siya na nasilbihan ng Search Warrant.
Sa kasalukuyan ay nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Cauayan City Police Station para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.
Sa panig naman ng mga kasapi ng PNP, totoong narehab na ang suspek ngunit ito ay bumalik sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa PNP, May tatlong witness ang nagtungo sa kanilang himpilan upang isuplong ang iligal na gawain ng suspek.










