--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuhos ang pagbati para kay pole vaulter Hokket Delos Santos matapos na matagumpay na mailundag ang limang metro sa qualifying rounds ng South East Asian Games (SEA) Games.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pole vaulter Hokket Delos Santos, sinabi niya na nasa kalakhang Maynila siya ngayon kasama ang kaniyang coach at abala sa page-ensayo sa isang pasilidad sa Cavite.

Ang kaniyang bagong record ay bunga ng kaniyang matinding pagsasanay kung saan anim na beses sa loob ng isang linggo siya sumasabak sa ensayo na may tig-dalawang set sa isang araw.

Naitala ni Delos Santos ang 440 meters para sa kaniyang first attempt, habang sa ikalawang pagkakataon ay nakuha niya ang bagong record matapos na ilundag ang 5 meters na qualifying heigth para sa SEA Games.

--Ads--

Ayon kay Delos Santos upang makapasok sa SEA games ay dapat makatalon ng limang metro pataas upang makatiyak ng bronze medal sa biennial event.

Una na ring naglabas ng listahan ang  Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at nakasaad ang mga pangalan ng mga atletang pasok sa standard ng bronze medal bago sumabak sa SEA Games.

Matatandaang unang nakilala si Hokket Delos Santos sa palarong pambansa na ginanap sa lunsod ng Ilagan bago isabak sa SEA Games.

Hindi naman maitatanging malapit si Delos Santos sa kapwa pinoy athlete at Pole vaulter na si Ernest John Obiena dahil madalas siyang humingi ng mga payo mula kay EJ.

Hindi naman naging hadlang para kay Delos Santos ang pagsabayin ang kanyang pag-aaral sa University of Sto. Tomas sa kanyang pag e-ensayo para sa qualifying rounds.