--Ads--

CAUAYAN CITY – Tututukan ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 ang plant, plant, plant program  upang paghandaan ang posibleng epekto sa ekonomiya ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na naglaan na sila ng pondo para sa pagbili ng vegetable seeds at muling palalakasin ang plant, plant, plant program ng DA katuwang ang DepEd, LGUs, State Colleges and Universities para magpromote ng pagtatanim ng mga gulay na madaling mamunga hanggang may mga pag-uulan.

Aniya, siguradong maapektuhan ang lahat sa nangyayari sa Russia at Ukraine kaya dapat lamang na maghanda.

Magtanim aniya  para may mapagkukunan ng ulam nang libre.

--Ads--

Samantala, mayroon ding programa ang DA na fuel subsidy ngunit para lamang sa mga nagtatanim ng mais at mga mangingisda na may makinarya.

Mayroon na aniyang nailaang pondo para rito pero hinihintay pa nila ang guidelines na ibababa ng kanilang punong tanggapan para sa pamamahagi ng naturang tulong.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.