--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkakaubusan na ng stock ng mga Antigen test kits ilang araw bago ang nakatakdang lockdown sa ikalabing pito ngayong Marso.

Pahirapan na rin ang pagbili ng Panadol o gamot sa trangkaso dahil nagkakaubusan na ng stock ang mga dispenser.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bombo International News Correspondent Marie Velarde, sinabi niya na dahil punuan na ang mga pagamutan ay ipinag utos na ng pamahalaan ang Mandatory Antigen testing para sa lahat ng mga mamamayan ng Hongkong.

Aniya, gamit ang antigen test kits ay susuriin nila ang kanilang sarili at kung sakaling magpositibo ay kailangan nilang sumailalim sa quarantine sa tinutuluyang bahay o boarding house.

--Ads--

Idinagdag pa ni Ginang Velarde na bagamat bahagyang bumaba na ang bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 ay maraming tao ngayon ang nawalan ng trabaho dahil sa takot ng ilang employer na mahawaan ng COVID 19.

Patuloy ring tumataas ang mga presyo ng pangunahing bilihin sa kabila ng kakulangan ng supply dahil sa nagaganap na panic buying dahil na nakaambang lock down na magsisismula sa ika labing pito ng Marso.

Sa ngayon ay marami pa ring mga Filipino Domestic Helpers ang nagpopositibo sa COVID 19 at ang ilan ay nanatili na sa labas ng pagamutan habang ang ilan ay nakaquarantine sa bahay ng kanilang amo  o sa mga boarding houses.

Naglabas na ng Notice ang Hong Kong Government na patawan ng penalty ang mga employer na alisin sa trabaho ang mga kasambahay o Filipino Domestic Helpers na magpopositibo sa antigen test.