--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang 5th Infantry Division Philippine Army sa pagsisimula ngayong araw ng Phil-U.S. Balikatan Exercises  2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nakatuon ang kanilang atensiyon sa naturang aktibidad kung saan magkakaroon ng engineering Construction Program sa bahagi ng Cagayan at Isabela.

Ayon kay Captain Pamittan itatayo ang dalawang silid aralan sa Claveria at isa sa Rizal, Alicia, Isabela at gagamitin sa pagpapatayo ng mga silid aralan ang pondong galing sa Estados Unidos.

Aniya magkakaroon ng construction at renovation ng mga school building sa ilang bahagi ng Cagayan katuwang ang mga sundalo ng Estados Unidos.

--Ads--

Ang Phil-U.S. Balikatan Exercises 2022 ay nakasentro sa pagbibigay ng mga humanitarian services sa mga malalayong lugar  na nasasakupan ng 5th ID at makakasama nila ang tropa ng Philippine Marines at ang Tactical Operations Group 2 maging ang mga sundalong Amerikano.

Wala namang inaasahang simulation ng military drills sa Cagayan at Isabela dahil nakatutok sila sa Humanitarian services.

Ang Phil.-U.S. Balikatan Exercises 2022 ay inaasahang magsisimula ngayong araw ng Lunes, ikapito ng Marso at magtatapos sa unang bahagi ng buwan ng Abril.

Ang bahagi ng pahayag ni Army Captain Rigor Pamittan.