--Ads--

CAUAYAN CITY – Bukas ang pamahalaang lalawigan na pahintulutan ang operasyon ng mga provincial buses sa kabila na nakasailalim sa alert level 2 ang lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Punong Lalawigan Carlos Padilla na bagamat nasa ilalim sila ng alert level 2 ay kontrolado naman nila ang naturang virus.

Patuloy nilang ipinapatupad ang ipinalabas na guidelines ng Regional IATF sa ilalim ng alert level 2.

Tinututukan nila ang mga nagaganap na pagtitipon pangunahin na sa mga bayan ng Ambaguio, Kayapa at Kasibu na mayroong pinakamababang acceptance rate ng COVID-19 vaccines.

--Ads--

Bukas din silang tanggapin ang mga pampasaherong bus sa kanilang lalawigan ngunit hihigpitan nila ang sistema  sa mga bayan na magsisilbing drop off point.

Ang bahagi ng pahayag ni Punong Lalawigan Carlos Padilla.