--Ads--

CAUAYAN CITY – Naipamahagi na sa mga City at Municipal Treasurers Office ang mga election paraphernalia sa lsabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Treasurer Maria Teressa Flores ng Isabela, sinabi niya na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang mga municipal  at city treasurer maging ang COMELEC para sa pamamahagi ng mga election paraphernalia na galing sa comelec at dumating noong una at ikaapat ngayong Marso.

Ang unang batch ng mga election paraphernalia ay umabot sa  tatlumpu’t limang boxes habang ang pangalawang batch ay animnapong boxes.

Ang mga naipamahaging paraphernalia ay ang mga poster indicating precinct number; temporary appointment ng BEI chairman and support staff; certificate of challenge of protest and the decision of electoral board, oath of voter challenge for illegal act, oath of identification challenge voter; BIR forms at  long copy paper at fingerprint papers.

--Ads--

Sinabi ni Ginang Flores na nang matanggap nila ang mga supplies ay inayos nila ang mga ito at nilagyan ang bawat nakaempakeng paraphernalia ng mga pangalan ng bayan upang mas mapadali ang kanilang pamamahagi.

Natanggap na ng tatlumpu’t isang munisipyo ang kanilang mga  election paraphernalia habang ang iba  ay maaring kunin sa Provincial Treasurer’s Office.

Sa  mga coastal towns  ng Dinapigue, Palanan, Divilacan at Maconacon ay direktang ibibigay ng Comelec sa kanilang mga Municipal  treasurer.

Hindi naman pare-pareho ang maibibigay na election paraphernalia sa mga bayan at Lunsod dahil  nakadepende  ito sa mga registered  voters.

Inanyayahan ang mga kinatawan ng bawat partido at PPCRV  bilang witness para sa distribution ng mga election  paraphernalia.

Nagpasalamat n si Provincial Treasurer Flores dahil sa kabila ng ilang taon na  puro online ang kanilang distribution ay nagawa na rin nila ang in-person distribution.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Treasurer Maria Teressa Flores.