--Ads--

CAUAYAN CITY – Blanko ang mga pulis sa dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki sa isang improvised fish pool sa Purok 2, Brgy. Rizal.

Natagpuan ang bngkay ng lalaki na nakalubog na sa isang pool na pinaglagyan ng mga isda.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kinilala ang lalaki na si Jelord Vince Alcesto, dalawamput isang taong gulang, caretaker, mula sa Nagtipunan, Quirino at kasalukuyang naninirahan sa Rosario, Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Jefrey Villoria ang Deputy Chief of Police ng SCPO Station 2, Natuklasan umano ng may ari ng fish pool na si Marvin Mayormente ang bangkay ng biktima.

--Ads--

Agad niya itong ipinabatid sa tanggapan ng brgy at agad namang ipinagbigay alam sa Pulisya.

Gawa ang nasabing Container sa iron pipe frame at canvas na inilagay sa likod ng inuupahang bahay ni Mayormente.

Ayon sa pagsisiyasat ginagamit umano ang nasabing lalagyan sa isinasagawang Research ng amo ng biktima at ito ang inatasang katiwala sa paglilinis.

Ayon sa salaysay ni Mayormente, napansin na lamang umano nito ang wala nang buhay na si Alcesto pagdating niya sa bahay at isasara na sana ang nakabukas na pressurized water pump.

Ayon kay Shenelle Lagoc Esteves, live-in partner ng biktima, ilang araw bago ito matagpuang patay ay sinabi nito sa kasintahan na may iniinda itong pananakit sa kaniyang dibdib.

Kasalukuyan namang nasa punerarya ang labi nito at nakatakdang isasailalim sa Autopsy.