--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbaba ng mga COVID-19 admission sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos na maitala ang pinakamababang record ng mga confirmed cases na 12.

Sa naging panayam ng  Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center chief ng CVMC, sinabi niya na patuloy ang pagbaba ng COVID-19 admission sa naturang pagamutan at kaunti na lamang ang tinatanggap na referrals mula sa ibang hospital sa Lambak ng Cagayan, maging sa Apayao at Kalinga habang isang pasyente naman ang mula sa Basco, Batanes.

Sa kabila ng mababang kaso ay hindi pa nakakaranas ng zero cases ang CVMC dahil may walk in patients pa rin na isinasailalim sa antigen test ang nakikitaan ng sintomas na agad inaadmit sa COVID-19 ward ng pagamutan.

Pansamantalang nananatili sa COVID-19 ward ang mga pasyente at kung magnegatibo sa RT PCR test ay ililipat naman sa Regular Ward.

--Ads--

Samantala, hindi pa kumbinsido si Dr. Baggao sa muling pagpapababa ng alert Level sa rehiyon.

Aniya mas mainam na panatilihin muna ang kasalukuyang alert level 1 dahil hindi pa rin sigurado kung ligtas sa COVID-19 sa kabila ng  pagiging bakunado.

Tiniyak naman niya ang kahandaan ng CVMC na susunod sa anumang ilalabas na assesment ng IATF sa pagpapatupad ng alert level zero.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao.