--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaani ng papuri ang isang miyembro ng Aurora Police Station na nagpost sa kanyang social media account hinggil sa pera  na lumabas sa Auto Teller Machine o ATM bago siya nakapag-withdraw para maibalik sa may-ari.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCMS Francis Ballesteros, patrolman supervisor, sinabi niya na dakong 12:40nn noong March 13, 2022 nang magtungo siya  ATM ng Land Bank sa Aurora, Isabela para maglabas ng pera.

Nang nasa harap na siya ng ATM at wala pang ginagawang transaction ay lumabas ang pera na umaabot sa 5,000 pesos.

Isang lalaki  na nagmamadaling umalis ang nasundan niya sa ATM at hindi na niya natagpuan  kaya ipinost niya sa kanyang Facebook Account  para maibalik sa may-ari ang pera.

--Ads--

Ayon kay PCMS Ballesteros, lalaki na tinatayang nasa 50-60 anyos ang nauna sa kanya na nag-withdraw at kung muli niyang makikita ay kanyang makikilala.

Ang nasabing ATM aniya ay talagang  matagal maglabas ng pera kaya marahil hindi nahintay ng lalaki at  umalis  kaya nang siya na ang maglalabas ng pera kahit hindi pa niya nailagay ang kanyang ATM card ay lumabas ang 5,000 pesos na sampung 500 peso bills.

Ayon kay PCMS Ballestreos, ang nasa isip niya sa sandaling iyon ay ibabalik niya ang pera may-ari nito.

Nang walang makipag-ugnayan sa kanya para kunin ang pera matapos niya itong ipost sa kanyang FB Account ay ipinasakamay niya ito sa Land Bank Cauayan City branch para matukoy ang may-ari nito.

Ito na aniya ang ikalawang pagkakataon na nagbalik sila ng pera.

Noong nakatalaga siya sa Cabatuan Police Station ay ibinalik nila sa isang kawani ng LGU ang naiwan sa mesa na mahigit 30,000 pesos nang magkaroon ng paliga sa basketball.

Ayon kay PCMS Ballesteros, nakakataba  ng puso ang mga papuri  na hindi niya pinag-interesan ang pera at gumawa ng paraan para maibalik ito sa may-ari sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account at sa pagpapasakamay sa bangko para matukoy ang may-ari ng pera.

Ang pahayag ni PCMS Francis Ballesteros.