--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang pamunuan ng ISELCO-1 kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagsagawa ng election para sa mga  Board of Directors.

Ginawa ng ISELCO-1 ang paliwanag matapos magpasa ng resolusyon ang mga mayor sa Isabela na humihiling ng halalan sa pagka-board of director ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Philreca Partylist Representative  Presley De Jesus, Board President ng ISELCO na ang halalan ay nakatakda noong  Hulyo 2021 ngunit dahil sa pandemya ay ipinagbawal batay na  sa inilabas na memorandum ng National Electrification Administration o NEA.

Halos lahat aniya ng mga electric cooperative sa bansa ay hindi pa nakapagsagawa ng halalan sa  board of Director ng mga Electric Cooperative dahil sa pandemya.

--Ads--

Dahil kasalukuyan ang election period ay maaaring sa huling quarter na ngayong taon isasagawa ang paghalal ng mga bagong director ng mga electric cooperative.

Itinanggi naman ni Kinatawan De Jesus na kagustuhan nila ang hindi pagkakaroon ng halalan at nilinaw na sumusunod lamang sila sa memorandum ng NEA.

Ang bahagi ng pahayag ni Philreca Partylist Representative Presley De Jesus.

Samantala, ipinaliwanag  ni De Jesus na ang ERC ang nagpapasya kapag may ibabalik na labis na nasingil sa mga consumers.

Tiniyak niya na ang sinasabing overcharge  sa mga member consumers ay unti-unti nang ibinabalik mula noong buwan ng Enero.

Kinumpirma niya na may pagtaas ng singil sa kuryente sa mga susunod na araw.

Ang bahagi ng pahayag ni Philreca Partylist Representative  Presley De Jesus.