--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng COMELEC Cauayan City ang mga campaign meterials at paraphernalia na mga misplaced at oversized sa kanilang isasagawang oplan baklas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerbee Cortez, City Election Officer ng Cauayan City na bagamat nagpalabas ng temporary restraining order ang supreme court kaugnay sa kanilang isinasagawang oplan Baklas, ang sakop lamang ng TRO ay ang paglalagay ng mga campaign materials sa mga private property.

Sinabi pa ni Atty. Corptez na hindi pinagbabawalan ng Korte Suprema ang COMELEC na magbaklas kayat patuloy nilang aalisin o tatanggalin ang mga campaign materials at tarpaulines maging ng mga posters na hindi nakalagay sa tamang common poster areas.

Bahagi ng pahayag ni Atty. Jerbee Cortez