
CAUAYAN CITY – Iba’t ibang aktibidad ang idaraos ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikadalawamput isang anibersaryo ng pagiging lunsod ng Cauayan.
Idineklara na special non-working holiday ang araw na ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Human Resources Officer Sherry Ann Balmaceda, sinabi niya na marami silang mga inihandang aktibidad.
Mgpapaligsahan at magpapamalas ng angking galing o talento ang mga kawani ng mga tanggapan na tatawaging “The Inter-agency Got Talent” na ipapalabas mamayang alas nuebe ng umaga sa Francisco L. Dy Coliseum.
Sa gaganaping paligsahan ay may mapapanalunang premyo; ang first prize ay labing limang libong pisong piso; sampong libong piso sa second prize at limang libong piso ang third prize habang may consulation prizes para sa mga kalahok.
Mayroon din silang inihandang Barangay Vlog making Contest ng bawat barangay na magpapakita ng mga maipagmamalaki nila sa kanilang barangay.
Ang isa pang contest na inihanda ng LGU Cauayan ay ang pagpapatupad ng Localizing Sustainable Development Goals na layuning ipakita ang mga nagawa at natapos na proyekto ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Isasagawa ni Mayor Bernard Dy ang kanyang huling State of The City Address mamayang alas dos ng Hapon sa Isabela Convention Center na susundan ng awarding ceremony sa mga nagwagi sa mga paligsahan.










