--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang mahigpit na monitoring at surveillance ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa mga checkpoint para higpitan ang pagpasok ng mga poultry products lalo na ang pato at pugo upang maiwasan ang bird flu virus.

Sa naging panayam ng  Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na dinagdagan nila ang kanilang mga tauhan sa  mga checkpoint.

Patuloy din ang pagkuha ng blood sample ng mga pato  sa mga lugar na dinadayo ng mga migratory birds tulad ng lawa sa Peniablanca at mga katubigan sa  Enrile, Gonzaga, Sta Ana, Aparri at iba pang costal town sa Cagayan.

Sa Isabela ay ang Malasi Lake sa Cabagan, Magat Dam sa Ramon, Isabela at mayroon din sa Cauayan City, Roxas at mga coastal towns.

--Ads--

Mayroon ding  lake at iba pang lugar na dinadayo ng mga migratory bird  sa ilang bayan sa Quirino,  Nueva Vizcaya at sa Batanes.

Paalala ni Regional Executive Director Edillo sa mga nag-aalaga ng pato at pugo na agad ipabatid sa  City o Municipal Agriculture Office kung may biglang namatay da mga  alaga para malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay.

Kukunan ng blood sample ng municipal veterinarian at masuri sa integrated laboratory para malaman kung may sakit.

Ang pahayag ni Regional Director Narciso Edillo.