--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-iingat na rin ang ilang Pilipino matapos ang pambubugbog sa ilang Pinoy sa Estados Unidos.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Farlie Salvador ng New York City na nakakatakot nang lumabas dahil sa ginagawang pag-atake sa mga Asian sa Amerika.

Kung lalabas man at maglalakad ay kailangang maging vigilant lalo na kung mag-isa dahil ang mga walang kasama ang kadalasang binibiktima ng mga homeless na basta na lamang nambubugbog.

Sa mga napapabalita ngayon sa social media ay ilan lamang sa mga nangyayari sa Estados Unidos dahil simula nang magkaroon ng pandemya ay marami nang Asian ang naging biktima ng pambugbog.

--Ads--

Lagi aniyang sinasabi na homeless ang mga umaatake pero kung titingnan ay maganda naman ang katawan ng mga suspek.