
CAUAYAN CITY – Patuloy ang koordinasyon ng Police Regional Officer o PRO 2 sa Lupon ng Halalan o Comelec para sa paghahanda sa nalalapit na halalan sa buwan ng Mayo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PltCol. Efren Fernandez, Information Officer ng PRO2, sinabi niya na kamakailan ay nagkaroon ng Regional Joint Security Coordinating Committee meeting na pinangunahan ng Comelec.
sa kasalukuyan ay wala pang inilabas ang Comelec na listahan tungkol sa mga areas of concern sa lalawigan ng Isabela ngunit patuloy ang kanilang pagmonitor sa mga dating lugar na nagkaroon ng karahasan o election related violence noong nakaraang halalan upang ito ay maiwasan nang mangyari.
Hindi pa naman maikukunsiderang election relate incident ang nangyayaring pamamaril sa lunsod ng Santiago hanggat walang deklarasyon ang Comelec.
Ngayong araw ay magkakaroon ng Simultaneous Ceremonial turn over ng mga pulis na sumailalim sa schooling o training at maidedeploy ang mga ito sa ibat ibang lugar sa rehiyon.










