
CAUAYAN CITY – Pinapayagan nang magbaba ng mga pasahero sa Central Terminal ang mga pampasaherong bus na galing sa kalakhang maynila matapos alisin na ang naunang ipinapatupad na point to point scheme.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag City Traffic Group Supervisor Sherwin Balloga na kinakailangan na sa Central Terminal lamang magbaba ng mga pasahero at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa mga lansangan.
Maging ang mga pasaherong sasakay patungong Metro Manila ay kailangang sa Central Terminal sumakay.
Inihayag pa ni City Traffic Group Supervisor Balloga na nakalagay sa memorandum circular ng LTFRB na magbababa at magsasakay lamang ng pasahero ang mga pampasaherong sasakyan sa Central Terminal.
Kinakailangan din anyang sumunod ang mga pampasaherong bus na drop and go sa terminal ngunit maaari din silang kumuha ng mga pasahero patungong metro manila.
Tanging Tuguegarao to manila route pa lamang ang pinapayagan at wala pang Ilagan to Manila route na kanilang hinihintay ang paglabas ng QR Code ng LTFRB habang mayroon din anyang Baguio- Ilagan route
Kinakailangan din anyang mayroong QR code ang mga pampasaherong sasakyan na pipila o magkakaroon ng ticketing booth sa Lunsod ng Ilagan.










