--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilatag ng DPWH Region 2 ang Lakbay Alalay ngayong Semana Santa upang matugunan ang posibleng pangangailangan ng mga biyaherong magtutungo sa mga probinsiya o mamamasyal sa ibang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Wilson Valdez, Information Officer ng DPWH Region 2 na lahat ng District Offices ng kanilang ahensiya ay maglalagay ng Lakbay Alalay Station sa mga kalsada upang umalalay sa mga biyahero.

Sinabi ni Valdez na maaring dumulog sa mga Lakbay Alalay Stations ng DPWH ang mga biyaherong masisiraan ng mga sasakyan at mga dayuhang biyahero na magpapaturo ng mga direksyon.

Maliban dito ay nakahanda rin ang kanilang mga equipment sakaling may pangangailangan sa pagsasaayos sa mga kalsada.

--Ads--

Nagpaalala ang DPWH sa mga biyahero na maging maingat para maging ligtas sa kanilang pagbiyahe.