--Ads--

Dinagdagan ng Magat dam ang pinakawalang tubig dahil sa mga pag-ulan sa Magat Watershed dulot ng weather system localized thunderstorm at bahagyang pagtaas ng level ng tubig.

Sa inilabas na abiso ng NIA-MARIIS-DRD Flood Forecasting and Warning System Dam Operation, mula sa isang metrong bukas sa spillway Radial Gate 4 na may discharge na 190 cubic meter sa bawat segundo ay itinaas sa dalawang metro na may discharge na 417 cubic meter per seconds.

Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang pagtawid at pamamalagi sa tabi ng ilog dahil mapanganib.

Ang mga gamit at alagang hayop ay dalhin sa ligtas na Lugar at manatiling nakatutok sa mga balita para sa susunod na mga ulat panahon at sa kalagayan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.

--Ads--