--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiuwi na ng kanilang mga pamilya ang tatlong lider ng New People’s Army (NPA) na nasawi sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at komunistang grupo sa Sto. Niño, Cagayan noong April 15, 2022.
Ang mga nasawi ay sina Saturnino Agonoy alyas “Peping”, pinuno ng Regional Operations Department ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley, Mark Canta, alyas “Uno” ng Giyang Politikal, West Front Committee at Angusto Dela Cruz, Alyas ”Val”, medical officer.
Ang labi ni Agonoy ay kinuha ng kanyang kapatid at nakaburol sa Montealegre, Amulung, Cagayan habang ang mga labi ni Canta ay kinuha ng kanyang ama at iniuwi sa Luna, Isabela at si Dela Cruz ay kinuha ng kanyang kapatid at dinala sa Castillo Funeral, Sta. Barbara, Piat, Cagayan.










