--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang insidente ng sunog ang nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Aurora dakong alas kwatro ng hapon kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng BFP Aurora gawa sa light materials ang nasunog na mga bahay kaya madaling kumalat ang apoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Remy Escobar, residente ng Purok 1, Ballesteros, Aurora, Isabela at isa sa may-ari ng nasunog na bahay, sinabi niya na ang naiwang katol ang dahilan ng sunog.

Aniya, naiwan ang kanyang sinindihang katol sa ilalim ng kanilang katre at dumikit sa foam na naging dahilan ng pagkasunog nito.

--Ads--

Aniya madaling kumalat ang sunog dahil malakas ang hanging pumapasok sa kuwarto.

Napansin ito ng tatay ni Escobar kaya agad silang nagbuhos ng tubig upang apulahin ang apoy ngunit mabilis itong kumalat dahil gawa sa light materials ang kanilang papag.

Agad namang rumesponde ang mga kasapi ng BFP Aurora sa nasabing lugar upang maapula ang sunog subalit dahil sa lakas ng apoy ay wala nang naisalbang gamit.

Aniya, nasa apat na pamilya ang naapektuhan ng sunog dahil magkakadikit ang mga kwarto ng bahay.

Sa kasalukuyan ay may mga nagbigay na ng tulong sa mga pamilyang biktima ng sunog at umaasa sila na may taos pusong magbibigay ng tulong tulad ng pagkain at damit.

Sa mga nais magbigay ng tulong, kontakin lamang ang numerong 09350367398.