--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa pagkahulog sa bangin ng isang Tamaraw FX na nagbunga ng pagkasawi ng anim na estudyante habang nasugatan ang dalawang iba pa sa Catengan, Besao, Mt. Province.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Napoleon Ledchi,  hepe ng Besao Police station, sinabi niya na patuloy ang kanilang pagsisiyasat para malaman ang tunay na dahilan ng  pagkahulog ng Tamaraw FX na sinakyan ng walong estudyante.

Dakong  alas singko ng umaga noong Huwebes nang maganap ang aksidente sa bahagi ng barangay Catengan at nagkapira-piraso ang sasakyan matapos na mahulog sa bangin na may lalim na mahigit isang daang metro.

Ang mga nasawi ay sina Rhema Sumingwa, 18-anyos, Mherley Docyogen, 17-anyos, Hazel Solang, 19-anyos, Lendel Keith Alfonso, 19-anyos; Dalog Kawi Mangallay, 19-anyos at Lip-aw Aligan, 21-anyos.

--Ads--

Ginagamot sa ospital ang mga nasugatan na sina Novielyn Sagantiyoc, 18-anyos at Lander Maticyeg, 17-anyos at residente ng Patiacan, Quirino, Ilocos Sur.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Besao Police station galing ang mga estudyante sa Sittio Banao Laylaya at patungo sana sa Kin-Iway para kumuha ng pagsusulit.