CAUAYAN CITY– Inilipat na sa government centralized quarantine ang mga mamamayan sa Shanghai, China na mayroong mataas ang infection sa COVID-19.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China na sa kabila na negatibo sa virus ang mga mamamayan na nakatira sa lugar sa Shanghai na masyadong infected ng virus ay kinakailangan pa rin silang dalhin sa government centralized quarantine
Ayon kay Alejandro, ang hakbang na ito ng pamahalaan ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga otoridad na mag-disinfect sa mga bahay ng mga mamamayan.
Matapos anya ang isang linggong madis-infect ang kanilang mga tahanan ay babalik din sila sa kanilang mga bahay matapos ang pitung araw.
Tutulungan anya ng pamahalaan ang mga mamamayan na dinadala sa government centralized quarantine kahit sila ay negatibo sa virus.
Ang hakbang na ito ng pamahalaan ng China pangunahin na sa Shanghai ay para matigil na ang pagkalat ng virus.
Mahigit na anya sa 100,000 mamamayan sa Shainghai ang nailikas na sa Government Centralized Quarantine.