--Ads--

CAUAYAN CITY – Kasalukuyan pa ring inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng pagkakasunog ng isang rice mill sa Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa on duty na security guard ng Golden Harvest rice mill na si Nelson Ramil,  alas tres kaninang madaling araw nang may makita sila na usok pero hindi nila akalain na pagmumulan ito ng sunog.

Alas singko na kaninang umaga nang may napansin sila na mayroon ng apoy sa ikalawang building ng rice mill.

Agad silang tumawag sa BFP at nasa dalawampong fire truck ang tumugon na mula sa iba’t ibang panig ng Isabela kaya hindi na kumalat ang apoy sa iba pang building.

--Ads--

May tatlong gusali ang rice mill at wala namang nasunog na palay kundi mga sako lamang dahil bodega ng sako ang gusaling nasunog.

Bukod dito ay wala ring nasaktan sa mga tao sa lugar.